How to Make the Guy You Like Move

Autumn (1).jpg

I made this “article” up when I was writing a chapter for my story, Moving Into My Brother’s House. I was having a writer’s block back then and I didn’t know what to write for my update. Then it got to the point that I just wrote this down to make the chapter longer. So here it is.

May 5 steps para matauhan ang taong umamin na may gusto sa’yo pero hindi naman alam ang gagawin para ipaglaban ang pagtitinginan ninyo.

1. Saktan siya – physically.

Pwede mo siyang paluin, batukan, sampalin, sakalin, bunutan ng buhok sa ilong o sa kilay. Whatever the case is, you decide kung ano man ang gagawin mong pananakit sa kanya. Minsan kasi, ang mga tao ay medyo manhid at self-centered. Hindi nila alam ang nangyayari sa paligid nila unless sila na mismo ang nasasaktan. Kaya kung feeling mo ay wala pa sa utak niya ang pakikipagtuos sa over sa OA mong kapatid, kapamilya, kabarkada at kung ano pa, aba. Gisingin mo na siya at imulat mo na sa kanya ang katotohanan na masasaktan talaga siya kapag wala siyang ginawa.

2. Mag-walk out – half expecting na susundan ka niya.

Katulad ng nasabi sa unang step, minsan ay manhid ang mga tao. As the saying goes, you’ll never realize someone’s worth until he or she is gone. Minsan, kailangan niyang ma-realize na hindi ka palaging nandiyan para hintayin siya. Tao ka lang din naman at hindi ka martir para mag-wait forever. Kaya go forth and make walk out. That way, baka sakaling matauhan siya at maisip niya rin na kawalan ka niya.

Pero may disclaimer nga naman ang step na ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay susundan ka talaga ng taong may gusto sa’yo. Oo, nandoon na tayo sa gusto ka niya pero gaano na nga ba talaga katindi ang feelings niya sa’yo para sundan ka niya? Kaya kapag ginawa mo ang step na ‘to, huwag ka masyadong umasa na susunod agad siya sa’yo. Baka kasi sa dulo, ikaw pa rin ang luhaan.

3. Huwag siyang pansinin – at mag-entertain ng iba.

Aba. Sino ba ang may sabi na siya lang ang lalaki sa mundo? Sino ba siya para pagtuunan mo ng buong pansin? Si Lee Min Ho ba siya o Song Joong Ki? Kung hindi, loosen up and look at your surroundings. Marami pang fish sa sea. Magmasid masid ka at subukan mong pansinin ang mga isdang ‘yon. Make sure lang na hindi janitor fish ang mapansin mo.

Seriously though, kung sa simula pa lang ay hindi na niya mapanindigan yung feelings niya para sa’yo, paano pa kaya kapag nagtagal kayo? Hindi naman sa nagpapaka-nega ka pero come to think of it. Hindi ba’t kailangan mong makaramdam ng security sa isang relasyon para maging harmonious ang pagsasama ninyo? Kung sa simula pa lang ay nganga na siya, ano pa kaya sa dulo?

Hindi rin naman masama na mag-entertain ng iba. Kung tutuusin, wala pa naman kayong commitment sa isa’t isa. Oo, nandoon na tayo sa nagka-aminan na kayo ng feelings ninyo pero utang na loob. Yung salamin nga lumalabo habang tumatagal e. Feelings pa kaya?

4. Huwag magpakita at magparamdam sa kanya, EVER.

Parang combination lang ‘to ng steps two and three but a little more exaggerated. Kapag hindi ka niya sinundan sa walk out scene mo at hindi rin siya na-bother sa hindi mo pagpansin sa kanya, putulin mo na lang ang lahat ng paraan para magkita at magkausap kayong dalawa. When I say ever, hindi naman talaga ‘yon forever. Jusko naman. Sa panahon ba na ‘to ay uso pa ang forever? Just give him a few days or weeks na walang nakukuha na kahit na anong impormasyon tungkol sa’yo. That way, mapapaisip din siya kung anong nangyari sa inyong dalawa. Iisipin niya kung ano ang nagawa niyang mali at kung ano ba ang dapat niyang gawin to win you back.

Pero siyempre, just like any step, wala namang kasiguraduhan ito. May downside din naman kasi ang step na ito. Baka kasi masyado siyang masanay na wala ka sa tabi niya at maghanap siya bigla ng iba. So pag-isipan mo pa ring maigi kung gaano katagal ang “pagtatago” mo mula sa kanya. Baka mamaya hide ka nang hide pero wala namang palang nagsi-seek. Sayang lang ang effort di ba?

5. Make the move.

If all else fails, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan. Alam ko hindi advisable na babae ang gumagawa ng moves para mapansin o magkatuluyan sila ng isang lalaki pero the heck. Kung pareho lang kayong maghihintayan, baka naubos na ang lahat ng ngipin at buhok ninyo pero naghihintayan pa rin kayong dalawa.

Kung kamag-anak mo naman ang rason kung bakit hindi makagawa ng move yung guy, kausapin mo na sila to loosen up. Ipagtanggol mo na si guy at pabanguhin mo na ang pangalan niya para naman magtiwala sila sa kanya. Kung mga kaibigan mo naman ang tutol, do the same but a little bitchier. Umamin ka. Bitch din naman ang mga kaibigan mo di ba? Oras mo na para gumanti! Hitting two birds with one stone pa di ba? Nakapambitch ka na, naipagtanggol mo pa ang man of your dreams.

Kapag ito, hindi pa rin talaga umepekto. Utang na loob. Maghanap ka na ng iba! Hindi talaga kayo meant to be kaya sumuko ka na please!

So there you have it. I, in any way, does not claim these steps to be effective for I haven’t tried it myself. Kumbaga sa gamot, No Approved Therapeutic Claims. Just remember to keep your head and your heart in check 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s