When it rains…

21(1)

Patuloy ang pagbagsak ng ulan mula sa kalangitan. Hindi ko alam kung bakit pero tila ba binalot din ng kadiliman ang buhay ko. Para bang lahat ng pagnanais kong makagawa ng mga bagay na maaaring maging makabuluhan ay hindi ko nabigyan ng pansin.

Siguro nga ay dahil sa malamig na klima kung kaya’t naisantabi ko ang mga bagay bagay. Katulad ko, maaaring mas ninais ng karamihan na magpahinga at magpakasaya sa ilalim ng ulan. Sa ibang parte ng bansa, maaaring ang iba ay nagkukumahog na para maisalba ang ilang  mahahalagang kagamitan o kaya naman ay inuunang iligtas ang kanilang mga buhay at ang buhay ng mga mahal nila sa buhay.

Maraming maaaring mangyari tuwing umuulan. Ang iba ay natutuwa sa pagtatampisaw. Pero kung iisipin, ang iba ay pinipiling mabasa ng ulan para maitago ang pagtulo ng kanilang mga luha.

Iba iba ang dulot ng ulan pero kailangan lang nating tandaan na may naghihintay na bahaghari pagkatapos nito. Lilipas din ang ulan at muling sisikat ang haring araw para bigyan tayo ng init at bagong pag-asa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s