Asymptotic Lines [2]

22(1)

Paunti unting pumapatak ang ulan sa labas ng bahay. Paunti unti ring pumapatak ang luha mula sa aking mga mata. Paunti unti ko ring naiisip na para talaga kaming asymptotes: we were getting closer and closer to each other, but we never could be together.

Ginawa namin yung gusto niya. Mas madalas kaming naguusap at nagkikita. Habang tumatagal, palapit kami nang palapit sa isa’t isa. Hindi man kami magkaklase, madalas pa rin kaming lumabas na magkasama. Masaya siya sa pakiramdam. Kahit papano, nawawala na yung sakit na naramdaman ko sa pagiging parallel lines naming dalawa.

Nagkita ulit kaming dalawa. Katulad ng dati, paunti unting nagdidilim ang kalangitan. Katulad ng dati, paunti unting pumapatak ang ulan. Katulad ng dati, patindi nang patindi ang nararamdaman ko para sa’yo.

Alam kong mali na mahulog agad sa isang katulad niya. Kahit na matagal na kaming magkakilala, saglit pa lang ang panahon na paguusap namin. Saglit pa lang ang panahon ng pagsasama namin. Pero ewan ko ba, habang mas nakikilala ko siya, mas lalong nahuhulog ako sa kanya.

“Rein, una na kami ah? Hihintayin mo pa ba si Daniel?” Tanong ng kaklase ko sa akin. Tumingin ako sa kanya at isang matipid na ngiti ang isinagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero pag tungkol sa aming dalawa ang topic, madalas ngiti na lang ang isinasagot ko. Sa totoo lang kasi, hindi ko rin alam kung ano ba ang meron kaming dalawa.

Madalas, tinutukso na kami sa isa’t isa. Mula sa pagiging estranghero sa isa’t isa, biglang nagmumukhang mag-on kaming dalawa. Sa tuwing pinapaliwanag ko ang totoong sitwasyon, walang naniniwala. Para bang pinagpipilitan na nila na totoong boyfriend ko na siya.

“Halata nga. Sige, ingat kayo pag-uwi ah? See you tomorrow!” Sabi nila sabay labas ng classroom.

Pagkalayo nila, ibinaling ko ang aking atensyon sa unti unting pagdilim ng kalangitan at pagpatak ng ulan. Kung tutuusin, may natitira pang sinag ng araw. Patuloy lang ako sa pagtingin sa kalangitan ng mapansin ko ang bahagharing nagtatago sa mga ulap.

Napangiti ako. Una, dahil sa ngayon na lang ulit ako nakakita ng bahaghari. Pangalawa, dahil dumating na siya.

“Kanina ka pa ba naghihintay?” Tanong niya sa akin.

“Hindi. Kakaalis lang nung iba kong kaklase.” Sagot ko.

“Tara na.” Yaya niya sa akin tapos pumunta na kami sa sasakyan niya.

Tahimik ang biyahe papunta sa bahay ko. Hindi ko alam kung bakit pero para bang hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Para bang may mali sa sitwasyon naming dalawa. Para bang may nag-iba.

“Dito na ako.” Sabi ko pagpakaparada niya ng sasakyan.

“Alam ko.” Sagot niya. Nagtaka ako. Hindi naman siya ganun nung mga nakaraang araw. Bakit bigla siyang nagbago?

“Daniel, may problema ba?”

“Wala. Pagod lang siguro ako.”

“Tara, pasok ka muna.” Pagyaya ko sa kanya. Pumayag naman siya at sumunod siya sa akin. Pagpasok namin sa bahay, pinaghanda ko siya ng makakain.

Pagkatapos naming kumain, nag-usap ulit kaming dalawa. Bumalik siya bigla sa dati niyang sigla. Natawa ako. Nagtaka siya dahil dun. Nung nagpaliwanag ako, napakunot na lang ang kanyang noo. Ginantihan niya ako sa pamamagitan ng mga kiliti. Tawa ako nang tawa nung panahon na yun. Nawala bigla lahat ng problema ko. Pero nung tinignan ko siya sa mata, alam kong meron talagang nagbago.

Hindi ko na lang pinansin kung ano man ang nagbago sa kanya. Nilubos ko ang mga panahon na masaya kaming magkasama. Papalit kami nang papalapit sa isa’t isa. Para bang asymptotic lines. Habang tumatagal, papalapit ng papalit sa isa’t isa.

“Anong plano pagkatapos ng graduation?” Tanong niya bigla sa akin. Napaisip ako. Sa totoo lang, wala pa akong plano. Para bang ang gusto ko lang na mangyari sa ngayon ay ang makilala at makasama siya.

“Wala pa. Ikaw ba?”

“Baka mag-aral ulit ako. Gusto kong mag-masters e.”

“Aaah. Sa school pa rin ba?” Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang siyang tumahimik.

“Wala ka pa bang planong school na papasukan? Okay lang yan! Masters naman na yun e. Wag mo na lang sigurong madaliin.”

“Sa totoo lang, meron na akong papasukan.” Sagot niya. Napalingon ako bigla sa kanya. Una, dahil sa gusto kong malaman ang sunod na sasabihin niya. Pangalawa, dahil sa hindi maganda ang kutob ko sa magiging sagot niya.

“H-ha? E saan naman?”

“Sa States. Rein, sorry pero sa tingin ko, hindi ko na matutuloy ang panliligaw ko sa’yo.” Bigla niyang sagot.

Paunti unting pumapatak ang ulan sa labas ng bahay. Paunti unti ring pumapatak ang luha mula sa aking mga mata. Paunti unti ko ring naiisip na para talaga kaming asymptotes: we were getting closer and closer to each other, but we never could be together.

“G-ganun na lang ba talaga yun? Hindi ba muna natin susubukan?”

“Sorry Rein pero sa ngayon, ito lang ang nakikita kong tama.” Sabi niya sabay labas ng bahay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s