Parallel Lines [1]

23(1)

Habang tinatahak ko ang daan pauwi, paunti unting pumapatak ang ulan sa aking katawan na sapat lang para mabasa ang suot kong damit. Katulad ng pag-ibig ko sa kanya, habang tumatagal, unti unting tumitindi na sapat lang para masaktan ako ng mas matindi.

Matagal tagal ko na rin sigurong kinimkim yung nararamdaman ko para sa isang lalaking hindi ko lubos maisip kung bakit ko nga ba nagustuhan. Halos lahat ng ayaw ko sa isang tao ay nasa kanya. Siguro, pwede kaming maihalintulad sa parallel lines: lines that are side by side but would never meet.

Simula first year college, blockmates na kami. Same course, same subjects, same break times but different set of friends. Ni minsan, hindi ko ninanis na maging kaibigan niya. Oo, may mga panahon na nagiging magkatabi kami pero hanggang dun na lang yun. Never naman kaming nagkausap o nagkatinginan e. Parallel lines talaga.

Fourth year college, second semester. Huling pagkakataon para maging magkaklase kami. Hindi ko alam kung sa kabutihan palad e hindi kami naging blockmates. Lalo kaming hindi nagkikita. Sa isip isip ko, ayos na rin yun. Kasi sa wakas, matatahimik na ang buhay ko. Kaso, nagkamali pala ako.

Hindi ko alam kung bakit pero para bang hinahanap hanap ko siya.

Nakakamiss pala yung ingay niya. Yung angas niya. Yung pagtulog niya sa klase. Nakakamiss pala yung mga hirit niya sa iba kong kaklaseng babae. Lahat ng ginagawa niya, hindi para sa akin. Lahat ng ginagawa niya, may epekto pala sa akin.

“Rein, hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ng kaklase ko sa akin. Lumingon ako sa kanya at saka ngumiti.

“Mayamaya na siguro. Papatilain ko lang muna yung ulan.”

“Sige, una na kami ah? Ingat ka pag-uwi!” Sabi niya tapos iniwan na nila ako sa loob ng classroom.

Pagkaalis nila, bumalik ako sa pagtingin sa pagpatak ng ulan. Habang tumatagal, nagiging mas pino yung mga patak nito. Habang tumatagal, mas nakakabasa ng tao. Napadaan siya sa harapan ko nung panahon na yun. Napalingon siya sa akin at nagkatinginan kami saglit. Agad siyang umiwas ng tingin at ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Katulad ng dati, parang hindi kami nagkita. Parang parallel lines lang ulit.

Nung humina na ang ulan, napagdesisyunan ko ng umalis. Nakakapagod din pala ang paghihintay para sa isang bagay na maaaring hindi naman mangyari. Katulad ng pag-uusap naming dalawa. Maraming panahon na ang nasayang pero hangganng ngayon, wala pa rin namang resulta.

Habang tinatahak ko ang daan pauwi, paunti unting pumapatak ang ulan sa aking katawan na sapat lang para mabasa ang suot kong damit. Katulad ng pag-ibig ko sa kanya, habang tumatagal, unti unting tumitindi na sapat lang para masaktan ako ng mas matindi. Alam ko naman na wala ng pag-asa, pero ewan ko ba kung bakit pa ako nagpapakatanga.

Palabas na ako ng gate ng school ng marinig ko ang pagtawag ng pangalan ko. Lumingon ako sa inakala kong pinanggalingan ng boses pero wala naman akong nakitang tao. Nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy ako ang paglalakad ko ng biglang tumigil ang pagpatak ng ulan sa balat ko. Pagtingin ko sa langit, isang payong lang ang nakita ko. Pagtingin ko sa katabi ko, biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko.

“Sira ka ba? Bakit ka ba nagpapaulan? Magkakasakit ka niyan e!” Sigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero imbis na kiligin nunng panahong yun, para bang natakot ako bigla sa kanya.

“Sorry.” Mahina kong sagot sa kanya.

“Tss. Wala namang magagawa ‘yang sorry mo! Tara na nga. Hatid na kita.” Sabi niya tapos inalalayan niya ako papuntang sasakyan niya.

Tahimik ang biyahe pauwi. Walang nagbalak na magsalita. Sa isip isip ko, bumalik na naman kami sa dati. Bumalik na naman kami sa pagiging parallel lines. Always side by side but will never meet.

“Itabi mo na lang diyan.” Sabi ko. Itinigil niya yung sasakyan ata para bang hindi siya natuwa rito. Imbis na magtanong kung bakit ganun ang naging reaksyon niya, nanahimik na lang ako at bumaba ng sasakyan niya.

“Rein, wait lang.” Sabi niya kaya napalingon ako bigla.

“Bakit?” Tanong ko.

“Kung ikukumpara mo yung relationship natin sa isang lesson sa school, ano yun at bakit?” Napangiti ako bigla dahil sa tanong niya. Huminga ako ng malalim at saka ako nagsalita.

“Parallel lines. Side by side but would never meet.” Napakunot ang noo niya dahil don. Alam ko hindi niya maiintindihan kaya ako na mismo ang nagpaliwanag sa kanya.

“Alam naman natin pareho na matagal na tayong blockmates. May mga pagkakataon na naging seatmates pero kahit kailan hindi tayo nag-usap. Siguro exception na yung ngayon. Nasagot ko na ba yung tanong mo?”

“Uhh. Oo.”

 “Pwede bang ako naman yung magtanong?”

 “Ano yun?” Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla bigla na lang lumabas sa bibig ko yung tanong na kanina ko pa iniisip.

“Bakit mo ‘to ginagawa ngayon?”

 “Katulad ng sinabi mo, parallel lines tayo. Siguro, matagal na ‘tong nararamdaman ko pero ngayon ko lang natanggap sa sarili ko. Rein, pwede bang maging perpendicular lines na tayo? Alam ko hindi na tayo magkablock pero gusto kong mas madalas tayong magkausap at magkita. Hindi ko alam kung maniniwala ka pero Rein, gusto kita.” Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Nakatingin lang kami sa isa’t isa at hindi na namin pinansin pa ang paglakas ng bawat patak ng ulan. Mabasa na kung mabasa pero sa ngayon, mas importante ang nararamdaman namin sa isa’t isa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s