On Writing.

24(1)

Minsan napapaisip ako, ano nga kaya ang mangyayari kung hindi ako nagsimulang magsulat? Magiging pareho pa rin ba ang takbo ng buhay ko? Magiging masaya pa rin kaya ako? Sa totoo lang, ang sagot diyan ay hindi.

Simula pagkabata, naging parte na ng buhay ko ang pagsusulat. Nagsimula sa mga tula hanggang sa naglaon ay naging mga kwentong nailimbag sa iba’t ibang website. Sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay nailimbag din ang isang kwento at sanaysay na naisulat ko sa isang libro at isang magazine. Kung tutuusin, dapat ay maging masaya ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Maramig nagnanais na makagawa ng pangalan sa larangan ng pagsusulat. Nagkaroon na ako ng pagkakataon na gumawa ng sarili kong pangalan pero pag iniisip ko ang hinaharap, para bang hindi ko na nakikita ang sarili ko na nagsusulat katulad ng sa ngayon.

Inaamin ko, marami akong natutunan at nakilala dahil sa pagsusulat. Naging libangan at labasan ng nararamdaman ko ang bawat kwento o tula na naisusulat ko. Pero hindi ko maiwasang isipin na balang araw, mawawala rin ang lahat ng iyon. Darating ang araw na wala ng makakaalala pa ng mga naisulat at naibahagi kong mga kwento sa mundo.

Wala nga namang panghabambuhay sa mundong ito. Nagbabago ang mga gusto ng bawat tao. Maaaring ang isang kwento ay napagtuunan ng pansin ng maraming tao sa ngayon pero naibaon na limot sa hinaharap. Siguro nga, panapanahon lang ang lahat. Hindi natin pwedeng pilitin na mangyari ang isang bagay. Lahat ay nagbabago. Hindi na natin maiaalis sa buhay ‘yon.

Sa ngayon, ang nais ko na lang na mangyari ay makagawa ng mga kwento na magpapasaya sa akin at sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko man maipagsigawan sa buong mundo ang bawat kwentong pinaghirapan ng puso’t isip ko, masaya na rin ako na kahit papaano, may iilang nakapansin ng mga bagay na pinaghirapan ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s