Missing.

25(1)

Minsan, kahit na sobrang saya mo na sa isang pagkakataon, hindi mo pa rin maiwasang mapaisip kung ano o sino nga ba ang kulang sa buhay mo. Madalas, isinasantabi na lamang natin ang ating nararamdaman dahil sa pagaakalang makagugulo lamang ito sa natural na daloy ng buhay. Pero kung iisipin, kahit anong iwas natin sa mga bagay bagay sa mundo, mangyayari at mangyayari pa rin ang isang bagay kung iyon talaga ang nakatakdang mangyari.

May mga pagkakataon na iniisip ko na ayos lang kahit may kulang sa isang pagtitipon. Yung tipong kahit hindi kumpleto, basta masaya ang mga nagpunta, ayos na yun. Mali pala ako. Sadyang hahanap hanapin mo pa rin pala yung mga taong wala sa paligid mo. Paano ka nga naman magiging masaya kung alam mong may mga taong nanghihinayang na hindi nakapunta?

Kadalasan, naisasantabi natin ang nararamdaman ng mga tao sa paligid natin. Mas nauuna nating bigyan ng pansin yung pansarili nating interes. Kung tutuusin, wala namang masama roon. Sadyang ganun ang buhay. Karamihan sa atin ay maniniwala na kung uunahin at uunahin natin ang ibang tao, wala ng matitira pa para sa sarili natin. Pero kung iisiping mabuti, hindi rin naman pala tayo tuluyang magiging masaya kung puro ang pansarili nating interes ang bibigyan ng importansya o halaga. Maaaring may masaktan tayo dahil sa mga ginagawa nating bagay para lang mapasaya ang mga sarili natin at sa bandang huli, maiisip natin na may kulang pa rin pala.

Kulang dahil ikaw lang ang masaya. Kulang dahil may nasaktan ka. Kulang dahil may nakalimutan ka. Hindi ba’t masakit din naman kung ikaw ang malilimutan?

Sa ngayon, dapat pag-isipan nating mabuti ang lahat ng ating sasabihin at gagawin. Hindi lahat ng bagay ay nakatutuwa. Maaaring may nasasaktan na pala tayo dahil sa mga iyon. Mas makabubuti kung hindi natin mamadaliin ang mga bagay bagay nang sa gayon ay hindi wala tayo malilimutan at sa bandang huli, hindi rin tayo makakalimutan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s