Trying hard.

27(1)

Sadyang may mga bagay na kailangan pa nating pilitin yung mga sarili natin bago natin magawa ang mga iyon. Marahil, inaatake tayo ng katamaran o kaya naman ay sadyang nawawala yung interes natin sa bagay na iyon. Pero kung tutuusin, importante naman ang bawat bagay. Maaaring magpasaya ito sa atin kahit na maliit na paraan. Kailangan lang talaga nating matutunan kung paano ilaan ang oras natin sa bawat bagay.

Pero kung iisipin, kailangan lang naman nating subukan e. Wala namang masama sa pagsbubok. Marahil, may pagkakataon na maaari tayong masaktan dahil sa pagsubok pero ang importante naman ay yung may natutunan tayo sa huli. Kasi, kung hindi natin susubukan, hindi natin malalaman kung kaya ba nating gawin ang isang bagay o hindi.

Siguro kailangan nating magsakripisyo habang ginagawa ang ibang bagay. Pero para rin naman sa ikabubuti natin ang mga iyon. Di maglalaon ay magkakaroon din ng magandang bunga o epekto yung mga sakripisyong nagawa natin sa nakaraan. Kailangan lang nating maghintay para sa tamang pagkakataon.

Mahirap kumilos pero kailangan nating subukan. Kung kaya nating isipin, kaya nating gawin. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s