Behind the stories…

28(1)

Sa likod ng bawat kabanata at bawat kwento ay isang babae na hindi naman talaga nararanasan ang mga bagay bagay sa mundo. Maaaring may mga pagkakataon na napapakilig, napapaiyak o napapasigaw kayo sa mga eksena na naisulat o naikuwento ko pero ang totoo niyan, karamihan sa mga iyon ay hindi ko pa naranasan o naramdaman.

Sa loob ng labinsiyam na taon, ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng kasintahan o kung ano pa man ang tawag mo don. Siguro dahil na rin sa dalawang dahilan. Una, pinagbabawalan pa ako ng mga magulang ko. Nagkaroon din kasi kami ng usapan na hindi ako magkakaroon ng kasintahan hangga’t di pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral. Ngayong pasukan, nasa ikaapat na taon na ako sa kolehiyo. Iniisip ng iba na sige, tapusin mo na yan tutal sandali na lang naman e. Pagkatapos na pagkatapos mo sa kolehiyo, pwedeng pwede ka ng maghanap. Pero siguro, dito na papasok yung pangalawang dahilan. Sa tingin ko kasi, hindi pa rin ako handa para sa ganitong bagay. Siguro nga masyado pa akong nakatuon sa pag-aaral ko at sa mga gawain ko sa organisasyon na kasapi ako. Pero sa tingin ko, sadyang natatakot pa rin ako na magtiwala at masaktan.

Alam ko parte naman talaga ng pagpasok sa isang relasyon yung sakit. Hindi naman talaga maiiwasan yun. Pero kapag naiisip ko rin kasi na mapupunta rin lang sa wala yung mga magiging sakripisyo, pagtitiwala at pagmamahal, para bang nakakatakot lang na gumawa ng isang bagay na maaaring makapagpabago sa buhay ko.

Siguro nga hindi ko rin matatakasan yung mga bagay na naisulat at maisusulat ko. Pero sana lang, dumating yug mga ganung pangyayari kapag handa na talaga ako. Mahirap din kasing magtiwala at umasa sa wala.

Advertisements

4 thoughts on “Behind the stories…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s