New blog! Again.

29(1)

Sa hindi malamang dahilan, naisipan ko na namang gumawa ng bagong blog. Alam kong hindi ko naman napapanindigan ang mga katulad nito pero sa tingin ko, kakailanganin ko ito ngayon. Maraming bagay ang nangyari at mangyayari sa buhay ko. Gusto kong isa isahin ang mga pangyayari sa buhay ko pero alam kong hindi ko kayang mailagay sa mga salita ang mga iyon. Hindi sa minamaliit ko ang kapangyarihan ng mga salita pero kapag iniisip ko kasi ang mga nangyari, para bang may humahadlang sa akin para maihayag ang mga nararamdaman ko.

Sadya nga yatang may mga bagay na hindi na maaari pang maulit. Sa pagkukuwento ng mga nangyari sa buhay ko, para bang pinipilit kong ulitin ang mga bagay na iyon na alam ko naman ay imposibleng mangyari. Pero hindi ko alam kung bakit sadyang may iba pa rin akong nararamdaman sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na iyon. Siguro, hindi na nga maaalis ang nararamdaman ko o sadyang matatagalan bago pa mawala iyon.

Lumilipas ang panahon. Maraming nangyayari sa bawat minuto. Sana lang ay may mangyari sa akin sa hinaharap na maaari kong ikuwento sa mundo. Mahirap kimkimin ang lahat ng nararamdaman ng isang tao. Siguro, sa ganitong paraan, mas mapapadali ang pagkawala ng mga nararamdaman ko na maaari namang mali o resulta lang ng pagkalito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s